0
Ruru Madrid confesses to getting attracted to more mature women: “Ay, ako mas gusto ko po talaga na mas matanda! Pero hindi natin masasabi 'yan kasi ayoko ring magsalita ng tapos. Pero parang sa ngayon, parang nakikita ko na mas okey yung mas mature.” PHOTO: NOEL ORSAL

Sa murang edad niyang 16, una raw nagkaroon ng girlfriend si Ruru Madrid noong thirteen years old pa lamang siya. Pag-amin niya, “Opo, dati. Pero parang ano lang po yun, puppy love lang po yun. “Pinakamatagal ko po [na relasyon], two months. Wala pa raw siyang nagiging girlfriend na artista; nakatatlong girlfriends na siya. “Pero ano lang po yun, parang friendship, walang masyadong ano po dun, walang malisya,” diin niya. May diretsong nagtanong kay Ruru kung virgin pa ito. “Ay, hindi ko po masasabi 'yan e,” at tumawa si Ruru. “Hindi ko po alam. Secret po!” Bakit hindi niya masagot? “Wala, wala po, friendship lang talaga.” So, virgin nga siya? “Ewan ko po,” at muling tumawa ang young actor. Lalaki siya, kaya imposibleng wala siyang alam tungkol sa mga “bagay-bagay.” “Siyempre po, kailangan lagi kang may alam sa mga ganung bagay. Kasi, kung wala kang alam sa ganun, naku... “Kailangan meron na. May kaalaman naman po ako.

Source: http://www.pep.ph/news/44402/ruru-madrid-admits-attraction-to-older-women

Post a Comment

 
Top