0



Buhat sa maghapong paglalako...malungkot na papauwi ang manggagawa ng gasera. Ni isa hindi siya naka benta sa araw na ito...wala na naman siyang mai aabot sa kanyang maybahay.

Habang papalapit sa kanilang lugar, tanaw niya ang mga nagtitipon tipong mga tao. Mukang may kasiyang magaganap. Oo meron nga.Lumapit siya para maki osyoso..Maya maya pa pagkatapos ng pagbilang, biglang nagliwanag ang buong paligid. Ito ang araw ng pasinaya ng pagkakaroon ng koryente sa kanilang lugar. Lahat ng bahay halos ay may kanya kanya ng ilaw dekoryente.

Naisip isip nya habang naka tungong naglakad pauwi 'tapos na ang trabaho ko'...

Nakakalungkot, sa paglago ng teknolohiya marami ding naaapektohan. Nasaan na kaya ang mga magagaling mag pinta ng mga bilboard sa sinehan noong araw? Hangang hanga ako sa kanila dahil kuhang kuha ang hugis ng mukha ng paborito kong artista si FPJ. San na kaya yung mga manggagawa ng signboard? Halos puro tarpaulin na ang nakikita ko ngayun.

Halos maiyak ako nong dumating sa pinapasukan kong kumpanya ang dambuhalang pamurdang de computer...nasabi ko sa sarili ko..tapos na ang mahigit sa sampong taong kong trabaho. At ganun nga ang nangyari. Walang magagawa kundi tanggapin.

Buti na lang napaghandaan ko ng konte.Dahil sa kaunting kaalaman ko sa computer at sa kasanayan ko sa manual na pag buburda. May isang Kunpanya ang ng hire sakin bilang taga design at operator ng kanilang makina. Na e enjoy ko ngayun ang aking bagong trabaho. Dalawang mahalagang larangang para sakin ang pinagsama sa isa. Ang mga frustration ko noon sa aking trabaho, mga bagay na diko kayang gawin sa manual ay ngayun ko nailalabas.

Tama si Charles Darwin "It is not the strongest of the species that survives, nor the most intelligent that survives. It is the one that is most adaptable to change.
In the struggle for survival, the fittest win out at the expense of their rivals because they succeed in adapting themselves best to their environment."


                                                                                                                                   -Zig Balasig
Next
This is the most recent post.
Previous
Older Post

Post a Comment

 
Top